Rasyonal Sa Filipino bilang isang pangwikang asignatura, inaasahang magkaroon ang mga mag-aaral ng kakayahang gamitin at palaganapin ang wikang Filipino. Ngunit napatunayan na sa maraming pag-aaral na maraming aspekto ang nakakaapekto sa pagkatuto ng isang mag-aaral: paraan ng pagkatuto ng isang mag-aaral, paraan ng pagkatuto ng guro, kaligiran ng bata at iba pa. Isa sa pinakamahirap na hamon na hinaharap ng mga guro sa wika ay ang kakulangan ng mga mag-aaral ng kasanayan sa bukabularyo na siyang may malaking impluwensiya sa pagbabasa nang may pag-unawa. Binanggit ni Riankamol (2008) na makikita mula sa pag-aaral ni Granowsky (2002) na kinumpirma ng maraming mananaliksik ang kahalagahan ng bokabularyo upang maintindihan ng isang bata ang kanyang binabasa, samakatuwid sa kanyang pag-aaral. Sa pagkakaroon din ng limitadong bokabularyo, hindi nakapagpapahayag ang bata ng kaniyang saloobin at nahiirapan siyang makipag-ugnayan sa iba. Sa mga nabanggit na kadahilanan, ang layunin ng pag-aaral na ito ay suriin ang mga paraan ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng bokabularyo at siyasatin kung ano ang pinakamabisang istilo ang ginamit ng/mga mag-aaral nang sa ganoon ay makapagmungkahi ang mananaliksik ng mga epektibong paraan ng pagkatuto ng talasalitaan na magagamit ng mga estudyante at magamit din kapwa gurong nagtuturo sa mga asignaturang pangwika. (责任编辑:) |