344 Sa pagkabilanggong labingwalong araw, 345 Bilang makalawang maligid ni Pebo 346 Ito ang buhay kong silu-silong sakit 347 Ang pagkabuhay mo'y yamang natalastas, 348 Sa pagbatis niring mapait na luha, 349 Magsama na kitang sa luha'y maagnas, 350 Hindi na inulit ni Florante naman, 351 Kanilang nilibot ang loob ng gubat, 352 Aniya'y Sa madlang gerang dinaanan,
353 Kung nakikiumpok sa madlang prinsesa'y 354 Anupa't pinalad na aking dinaig 355 Dito na minulan ang pagpapahirap 356 At ang ibinuhat na kasalanan ko, 357 Nang gabing malungkot na kinabukasan, 358 Tadhanang mahigpit ay malis pagdaka, 359 Ngunit sa puso ko'y matamis pang lubha 360 May anim na ngayong taong walang likat Nabilanggo si Florante ng labingwalong araw at saka dinala siya sa nakalulunos na gubat at iginapos sa punong kinatagpuan sa kanya ng Morong si Aladin. (Dito nagwakas ang salaysay ni Florante.) Pagkatapos ni Florante sa kanyang kuwento ay si Aladin naman ang nagsalaysay ng kaniyang naging karanasan sa buhay. Anak siya ni Sultan Ali-adab ng Persya, at siya ang namuno sa hukbong Persyano na kumupkop sa Albanya. Ngunit pagkatapos ay nilisan niya ang bayan ni Florante upang umuwi sa kaharian ng kanyang ama. Ipinakulong siya sa karsel ng palasyo nang malamang siya’y lumisan sa kanyang hukbo. Nang mabalitaan sa Persya na nailigtas ni Florante ang Albanya, ay isinisi ito sa kanyang pagkakalisan sa kanyang hukbo, kaya’t hinatulan siyang papugutan ng ulo ng kanyang sariling ama. Nguni’t isang heneral ang nagdala ng patawad kay Aladin pero may pasubaling siya’y umalis na sa Persya kung hindi siya susunod sa bagong utos na ito, buhay niya ang magiging kapalit. Mabigat ang loob na tumupad si Aladin sa pagpapalisang ipinarusa sa kanya. May anim na taon na siyang naglalagalag sa iba’t-ibang lugar. Hanggang sa masapit ang gubat na kinasasapitan ni Florante at siya’y iniligtas sa dalawang leon na sa kanya’y sasagpang. Sa kanilang paglalakad papalabas ng gubat ay may nadinig silang dalawang tinig ng babaeng nagsasalaysay. (责任编辑:) |