Sa Modernong panahon na kung saan ang musika ay mayroong epekto sa ating industriya, kultura, relihiyon at pananaw sa buhay ay hindi mapagkakaila na ang musika ay may malaking ginampanan sa ating buhay at maging kasaysayan. Ang pagbabago at pag-progreso ng musika, maraming mga pagapakinig ang naimimpluwensyahan nito at dahil rin sa pag pasok ng mga Foreign Music tulad K-pop, mga mang-aawit gaya nila Justine Bieber, Taylor Swift, Katy Perry, atbp. sa pamamagitan ng musikang ito ay mayroong rin itong epekto sa ating komunidad, pag-uugali at pakikitungo sa iba. Dulot nga ng pag-babago maraming kabataan ngayon ay iba na ang pag-iisip at wala na halos alam sa ating sariling musika na onti-onti ng nag-lalaho ang ating musika na kung saan ito ay naglalaman ng ating kasaysayan at meron malalim na kahulugan at may kabuluhan, ito ay kung gawagin ay “Orignal Pinoy Music” o “OPM”. Ano nga ba ang “Orignal Pinoy Music” o sa madaling salita ay “OPM” ito ay uri ng musika na kung saan ang kanta ay kinompose at kinakanta ng mga Filipino na mang-aawit. Ito ay naging daan upang ipahiwatig ang emostyon, kalagayan, at kultural ng mga Filipino. Sa mga nag-daang panahon ang “OPM” ay sumailalim ng pag-babago dala ng kolonya tulad ng Asya, España, at Estados Unidos. Hatid ng pag-babago nagkaroon ng tinatawag na “OPM Industry” na ipinangungunahan nina Nora Aunor, Ryan Cayabyab, Freddie Aguilar, Joy Albert, atbp. ang kantang “Anak” ni Freddie Aguilar na nakilala at bumenta sa Asya at maging sa buong-mundo dahil sa taglay nitong liriko at matingkad itong kweto tungkol sa kayang karanasan( Figuracion, 2015), Taong 1980s-1990s ang “OPM” ay lalo pang umangat dahil ang industrya ay nag simulang pag samahin ang iba’t-ibang genre tulad ng pop, rock, hip-hop, atbp. Tinaguriang “Golden Age of Pinoy Music” noong lumabas ang mga mang-aawit tulad nila Francis Magalona, Gloc-9, Andrew E., at mga banda tulad ng Eraserheads, Rivermaya, atbp..Pinaangat lalo nina Regine Velasquez, Sharon Cuneta, Jose Marie Chan, and Vina Morales ang “OPM” dahil sa mga tema ng kanta nila na tungkol sa “unconditional love and heartbreak”(Angel, 2016; Figuracion, 2015). Taong 2000s at Kasalukuyang panahon, Maraming mga genre ng “OPM” ang lumitaw at nabuo gaya ng Alternative Rock, Heavy Metal mga bandang tulad Kamikazee, Wolfgang, Slapshock, atbp. mga banda. Dahil sa paglitaw ng mga ganitong uri ng musika ito ay nagkaroon ng mga pagdidiwang at mga kaganapan tulad ng “Rock Festival at Pulp Slammer” na kung saan ay dinarayo ito ng mga taong mahilig making sa mga ganitong uri ng musika. Dala ng pagbabago nabigyan daan rin ang mga genre tulad ng Hip-hop, R&B, Pop, atbp. klase ng musika, maraming panibagong uri ng musika ang nagsisilabasan dulot pag-bago ng persepsyon ng mga mang-aawit. Sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya patuloy parin ang pagbunga ng panibagong uri ng musikang Filipino at nag-aambag sa ating Kultura. Layon ng mga mananaliksik na alamin at pag-aralan ang epekto ng kolonyalisasyon sa persepsyon sa estado ng pagtangkilik sa musikang “OPM”, dahil sa kasalukuyang panahon karaniwang na namakikita ang mag-aaral ng Information and Network Security na kakaiba ang persepsyon pagdating sa musikang “OPM”. Nais ng pananaliksik na ito na pag-aralan ang demograpikong profayl ng mga mag-aaral ng nasabing kurso, kung ito ba ay mayroon kinalaman pagdating sa persepsyon ng kanilang pagtangkilik sa musing “OPM”, bahagi ng ng pananaliksik na pag-aralan kung anong klaseng genre ang kanilang pinakikinggan, at kung bakit nila ito tinatangkilik, at paano ito na kakaapekto sa kanilang persepsyon sa musikang “OPM”. Tatalakakin rin dito saklaw at limitasyon ng pananaliksik na kung saan naka focus lamang sa epekto ng kolonisasyon sa persepsyon ng mag-aaral sa estado ng pagtangkilik ng mga ito sa musikang Pilipino na kung saan kukuha ang mananaliksik na 50 respondente mula sa College of Computer Science. Ang gagawing pananaliksik ay maituturing mahalaga dahil ito ay mag bebenipisyon sa mga susunod na mga mananaliksik at magkaroon ng bahagyang impormasyon ang mga mambabasa tungkol sa persepsyon sa estado ng pangtangkilik ng musikang “OPM”. (责任编辑:) |