织梦CMS - 轻松建站从此开始!

abg欧博官网|登陆|游戏|

当前位置: abg欧博官网|登陆|游戏| > abg欧博 > 文章页

Unang Digmaang Pandaigdig

时间:2024-06-21 09:50来源: 作者:admin 点击: 42 次
Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay hidwaang internasyonal na naganap mula 1914 hanggang 1918 na kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa sa mundo na

Unang Digmaang PandaigdigFrom Wikipedia, the free encyclopedia

Nakaturo ang "Digmaang Pandaigdig" dito. Para sa sumunod na digmaan, tingnan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay hidwaang internasyonal na naganap mula 1914 hanggang 1918 na kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa sa mundo na noon ay napapangkat sa dalawang magkalabang alyansa: ang Alyadong Puwersa (batay sa Tatluhang Kasunduan ng Imperyong Briton, Imperyong Ruso at Pransiya) at Puwersang Sentral (mula naman sa Tatluhang Alyansa ng Imperyong Aleman, Austriya-Unggarya at Italya). Ang digmaan ang isa sa mga pinakamapinsalang digmaan sa kasaysayan.

Agarang impormasyon Petsa, Lookasyon ...

Unang Digmaang Pandaigdig

Thumb image


Pakanan mula itaas: isang lugar sa Larangang Kanluran; mga tangkeng Mark V ng Imperyong Briton; barkong pandigmang HMS Irresistible na lumulubog matapos makabangga ng mina sa Labanan ng Dardanelles; mga tripulante ng isang masinggang Vickers suot ang kani-kanilang maskarang pang-gas, at mga eroplanong Albatros D.III ng Imperyong Aleman  
Petsa28 Hulyo 1914 – 11 Nobyembre 1918

Kasunduang pangkapayapaan

 
Lookasyon

Europa, Aprika, Gitnang Silangan, Kapuluang Pasipiko, Tsina at sa mga katubigang malapit sa Hilaga at Timog Amerika

 
Resulta

Pagwawagi ng Alyadong Puwersa

 
 
Mga nakipagdigma

Alyadong Puwersa

Pransiya

Pransiya

United Kingdom

Imperyong Briton

Russian Empire

Imperyong Ruso (1914–17)

Estados Unidos

Estados Unidos
(1917–18)

Italya

Italya (1915–18)

Imperyo ng Hapon

Imperyo ng Hapon

Belhika

Belhika

Serbiya

Serbiya

Kaharian ng Montenegro

Montenegro

Kaharian ng Rumanya

Rumanya (1916–18)

Portugal

Portugal (1916–18)

Kaharian ng Gresya

Gresya (1917–18)
 

Puwersang Sentral

Alemanya

Imperyong Aleman

Austria

Austriya-Unggarya

Imperyong Otomano

Imperyong Otomano

Bulgaria

Bulgarya (1915–1918)
 
Mga kumander at pinuno

Alyadong Puwersa

Pransiya

Reymundo Poincare

United Kingdom

Jorge V

Russian Empire

Nicolas II

Rusya

Alejandro Kerensky

Estados Unidos

Woodrow Wilson

Italya

Victor Emmanuel III

Imperyo ng Hapon

Taishō

Belhika

Alberto I

Serbiya

Pedro I

Kaharian ng Montenegro

Nicolas I

Kaharian ng Rumanya

Fernando I

Portugal

Bernardino Machado

Kaharian ng Gresya

Eleftherios Venizelos
 

Puwersang Sentral

Alemanya

Guillermo II

Austria

Francis Jose I (1914–16)

Austria

Carlos I (1916–18)

Imperyong Otomano

Mehmed V

Bulgaria

Fernando I
 
Mga nasawi at pinsala
sa panig ng mga sundalo...
Napatay:
Mahigit 5 milyon
Nasugatan:
Mahigit 12 milyon
Nawawala:
Mahigit 4 na milyon
Kabuuan:
Mahigit 22 milyon
  sa panig ng mga sundalo...
Napatay:
Mahigit 4 na milyon
Nasugatan:
Mahigit 8 milyon
Nawawala:
Mahigit 3 milyon
Kabuuan:
Mahigit sa 16 milyon
 

Isara

Ang pagpaslang kay Archduke Franz Ferdinand ng isang makabayang Serbiyo na nagngangalang Gavrilo Princip noong 28 Hunyo 1914 ang itinuturing na siyang pinakasanhi ng pagsisimula ng digmaan. Nagsimula ito noong ika-28 ng Hulyo 1914 nang magpahayag ng pakikidigma ang Austriya-Unggarya laban sa Serbiya na siya namang nagbunsod sa dalawang magkalabang alyansang nabanggit, kasáma na maging ang kani-kanilang kolonya, na makibáka sa isa't isa. Makalipas ang ilan pang linggo, ang digmaan ay tuluyan nang lumaganap sa buong mundo.

Matapos makapagpahayag ng pakikidigma ay kagyat na sinalakay ng Austriya-Unggarya ang Serbiya. Sinundan ito ng pananakop ng Imperyong Aleman sa Belhika, Luksemburgo at hilagang Pransiya, at ng bigong pananalakay ng Imperyong Ruso sa silangang Alemanya. Buhat naman nang mapipilan ng sandatahang Briton-Pranses ang pag-abante ng sandatahang Aleman patungong Paris ay nauwi na sa pakikidigmang pambambang ang mga sagupaan doon na siya naman nagdulot upang halos hindi na umusad ang magkabilang panig. Nang mga sumunod na taon ay nakisangkot na rin sa digmaan ang Imperyong Otomano, Italya, Bulgarya, Rumanya, Gresya at iba pa samantalang bumagsak ang monarkiya sa Rusya matapos ang Himagsikang Ruso noong 1917 na nagbigay daan upang kumawala ang mga Ruso sa digmaan at maglunsad ng sunod-sunod na opensiba ang mga Aleman sa kanlurang Europa hanggang sa pumasok ang Estados Unidos sa digmaan. Sumuko ang Imperyong Aleman at mga kaalyado pagsapit nang 11 Nobyembre 1918 matapos ang isang matagumpay na kontra-opensiba ng Alyadong Puwersa.

Sa pagtatapos ng digmaan ay maraming bansa ang itinatag sa Europa mula sa labi ng mga Imperyong Aleman, Austro-Unggaryo, Otomano at Ruso. Itinatag noon ang Liga ng mga Nasyon upang pigilan ang anumang tunggaliang maaaring maganap sa mundo. Ang mga kasunduang itinadhana ng Kasunduan ng Versailles na nagdulot ng matinding paghihikahos sa mga mamamayang Aleman at ang pag-usbong ng pasismo sa Europa ang ilan sa mga dahilan upang muling sumiklab ang isa pang pandaigdigang digmaan pagsapit nang 1939.

Tinatawag noong "Dakilang Digmaan" (Ingles: Great War) at "Digmaang Pandaigdig" (Ingles: World War) ang digmaan bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang digmaan ay kilalá rin sa mga katawagang "Ang Pandaigdigang Digmaan" (The World War), "Ang Digmaan upang Wakasan ang lahat ng mga Digmaan" (The War to End All Wars), "Ang Digmaang Kaiser" (The Kaiser War), "Ang Digmaan ng mga Nasyon" (The War of the Nations) at "Ang Digmaan sa Europa" (The War in Europe). Tinatawag naman itong La Guerre du Droit ("Ang Digmaan para sa Katarungan") o La Guerre Pour la Civilisation/de Oorlog tot de Beschaving ("Ang Digmaan para Mapanatili ang Sibilisasyon") sa mga medalya't bantayog sa Belhika't Pransiya.

Ang katawagang "Unang Pandaigdigang Digmaan" ay unang ginamit nina Ernst Haeckel, isang pilosopong Aleman, noong Setyembre, 1914 at ni Carlos A. Repington, isang mamamahayag, noong 10 Setyembre 1918 sa kanilang isinulat na mga talaarawan.

Sa ngayon, ang pangalan ng digmaan na ginagamit sa Nagkakaisang Kaharian at Kanada ay "Unang Pandaigdigang Digmaan" (First World War) samantalang "Unang Digmaang Pandaigdig" (World War I) naman sa Estados Unidos.

(责任编辑:)
------分隔线----------------------------
发表评论
请自觉遵守互联网相关的政策法规,严禁发布色情、暴力、反动的言论。
评价:
表情:
用户名: 验证码:
发布者资料
查看详细资料 发送留言 加为好友 用户等级: 注册时间:2025-05-18 13:05 最后登录:2025-05-18 13:05
栏目列表
推荐内容